Ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa hayskul ang kanilang malikhaing interpretasyon ng “Huli Na Nang Ika’y Aking Ibigin”, salin ni Ginang Camartin, mula sa panalangin ni San Agustin, sa taunang pinal na pagtatanghal ng sabayang pagbigkas sa Bulwagang San Ambrosio, na nakatuon sa pagpapahalaga at pananampalatayang Agustino.Bukod sa karaniwang tema ng wika at nasyonalismo, tampok ngayong taon ang bagong pokus ng piyesa hinggil sa panalangin ni San Agustin na nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa pagtatanghal.
Caption ni Natalie Grace Encina
Larawan nina Alessandra Paras, Martha Masilag, Noah Polancos, at Sean Gutierrez




×